Thursday, August 14, 2014

Magandang Babae, nag shoplift sa Mandaue City, Cebu

Magandang Babae, nag shoplift sa Mandaue City, Cebu

Hindi raw akalain ng isang nagtitinda na gagawa ng masama ang isang 16-anyos na babae na nahuli matapos umanong nakawin ang mga isinukat na paninda sa boutique ng isang mall sa Mandaue City, Cebu. Sa ulat ng GMA News TV's "QRT" nitong Huwebes, sinabing hawak na ng Department of Social Welfare and Development ang dalagita na nakunan sa closed-circuit-television camera ang babae habang lumalabas sa mall suot na ang mga ninakaw raw na gamit. Kabilang daw sa mga natangay ng babae ay damit, sapatos, belt, bag at alahas na isinukat niya sa isang boutique. Ayon sa sales attendant, hindi niya akalain na gagawin ito ng babae dahil may kagandahan ito at matino raw kausap. Sinabi naman ng may-ari ng boutique na aabot sa P10,000.00 ang halaga ng tinangay ng suspek. Nahuli ang babae matapos na iwanan nito sa fitting room ang kaniyang suot na damit at bag na hinubad para maisuot ang mga tinangay na gamit. Basahin: Bagong modus ng mga shoplifter sa Cebu, nabisto Nakita sa bag nito ang isang ticket sa barko na may nakalagay na pangalan. Sinubukan na hanapin sa social media ang pangalan ng babae at doon na nakumpirma ang pagkatao nito nang makita ang kaniyang larawan. Nang makuha ng may-ari ng boutique ng numero ng dalagita, nangako ang babae na babayaran ang kanyang ninakaw. Gayunman, hindi raw tumupad ang suspek sa kasunduan kaya itinurn-over na lang siya sa pangangalaga ng DSWD. Samantala, nakasaad naman sa isang social media account na kapangalan ng dalagita ang pakiusap nito na huwag siyang tawaging kriminal at itigil na ang pamba-bash sa kaniya. Nakasaad din sa post na aminado siya sa nagawang pagnanakaw na tinawag niyang sakit na kleptomania. -- FRJ, GMA News

0 comments:

Post a Comment